Mt. Pico de Loro experience!

what a blessed day indeed!

#summitview

A day hike experience at the Mountains of Ternate, Cavite was a memorable one, why? Why not. First time na biniyayaan ng maaraw na panahon ang hike namin. I’m not saying na hindi naging maganda yung unang dalawang hikes ko, pero iba naman po kasi ang gondo ng view pag umaaraw.

At dahil first time na isa ako sa pasimuno ng day hike na ito. Kinailangan ko gumawa ng itin, salamat sa pinoymoutaineer.com diyan 🙂 hindi ako nahirapan gumawa, heheheh at salamat sa napaka accurate na google weatherweatherupdate (hindi naman sa sinisisi ko ang google weather estimate), masaya nga eh kasi inexpect ko na uulanin kami pero, yey, awa ng Diyos, pinagbigyan kami!)

12006261_10153275514159022_1765060020203472030_n

that view!!!!!!!!monolithconquered!

12046968_10153275507899022_4671884700177872523_n

dagaaaaat! <3beachlove #summitconqured

Magandang akyatin at worth it ang maghapon mo, hindi din naman gaanong mainit ang trail, almost 2 hrs hike and descend lang (depende sa pacing). Magubat at malamig sa trail. May mga magandang huni ng ibon at ang friendly monkeys (sanay na rin siguro sa tao, napakarami kasi umaakyat lalo na pag weekends. Dumating kami dun sa DENR around 7am, pero nakaakyat kami ng summit around 10am (nag early lunch break na sa basecamp), at sa monolith ng mga 12nn na!kasi queuing sa monolith, hindi kasi pinapayagan na magsabay-sabay umakyat sa bato kasi maaari daw gumuho. Oh!inspiring di’ ba, tapos maririnig mo lang yung stories naun habang nakapila ka paakyat sa monolith! Bakit hindi ka mai-isnpire!hahahahah! Sarcasm aside, sulit ang view sa taas, doon mo maappreciate ang ganda ng kalikasan na napangalagaan ng mga tao dun. Kaya sana, kung gusto pa natin makabalik at makakita ng ganun kagandang view, sana maging responsableng manlalakbay po tayo. Huwag po sana mag-iwan ngm ga kalat at mag vandals sa mga puno or bato, uso naman po ang caption sa mga litrato. Maganda naman na ma-preserve yung natural na ganda ng lugar.

Yun muna po.Hanggang sa uulitin na gala!

Leave a comment